Saturday, February 6, 2010

PAGBABAGO

Mahirap ang magbago, well maliban sa weight ko na rapid ang pagbigat.. mahirap talaga ang magbago. Bakit nga ba mahirap ang magbago? Simple lang, mahirap iwanan ang mga gawing nakasanayan. Kaya putik kahit anong reklamo natin sa mga dinadami nating boss, walang mangyayari dahil mahirap ang magbago.. Isa lang ang di magbabago at iyan ay kung ikaw ay isang empleyado, kahit baliktarin ang mundo, magleave ka man ng isang linggo siya pa rin ang boss mo, walang pagbabago. Isang gawaing paulit ulit na nakakasawa, pero sabi nga ng isang magaling na HR business partner na nakilala ko, " if you feel this job is not for you, well its time for you to shift ". Madaling sabihin, mahirap gawin. Kahit ilang libong beses mo ng sinabing magreresign ka, di mo magawa. Mahirap ang magutom lalo na kung may nakasangkay sa iyo na isang malaking responsibilidad.. hehe! Mahirap ng ibenta pa ulit ang sarili, nakakasawa! Kaya ano na lang gagawin mo? Di ka naman pwede magleave ng isang taon.. hmmm... eh di magbago.. Teka mahirap nga magbago di ba? Isa lang ang alam ko, ako ay taong may isip, may kalayaan, at alam ang responsibilidad na nakapatong sa kalayaan na iyon. Chos!